Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagman, puwedeng itapat sa Netflix; Arjo, posibleng kunin sa Hollywood

GALING NA GALING si Raymond Bagatsing sa team nina Direk Lino Cayetano, Philip King, at Direk Shugo Praico dahil sa napakagandang pagkakagawa ng BagMan na pinagbibidahan ni Arjo Atayde handog ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment para sa iWant at mapanonood na sa Marso 20.

“Ang galing ng team nila. Ang galing ng writing nila. Lagi silang nagre-revise to better really present the film,” ani Raymond. “Ang tingin ko rito kasi parang pang-Hollywood. Panglaban sa Netflix. Kaya natin! Very intense ang film talagang pinag-isipan. Pati mga shot talagang magaling aside from the actors,” pagmamalaki pa ni Raymond.

Si Benjo Malaya si Arjo. Isang ordinaryo ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Arjo sa ibinibigay na project ng Dreamscape mula sa Ang Probinsyano, The General’s Daughter, at hanggang dito sa Bagman.

Thankful din si Arjo sa Rein Entertainment. “Another team that will surely sore high in making this amazing scripts. I’m excited for all your concepts and for all your movies as well. I’m thankful for giving me the opportunity to this crazy wild script that I ever read, so I’m very very thankful. I guarantee you guys it is something else, something crazy and we’re opt to start.

“The story is gonna blow your mind,” giit pa ni Arjo.

Sobrang pinuri naman ang kahusayan ni Arjo ng kanyang mga kasamahan gayundin ng director sa pagganap niya bilang Bagman.

Anang writer/direktor nitong si Shugo, “Kung bibigyan ko si Arjo ng rating, 10. Kasi he’s so perfect for the role. ‘Yung range po kasi, ‘yung kuwento po namin, ang structure po niya jumping from one timeline to another, so ‘yung sa simula innocent guy tapos bloodied na. So patalon-talon ‘yung story. So ‘yung range niyon sobrang kailangan ang kalibre at galing ni Arjo.”

Maging si Yayo Aguila ay hindi naitago ang paghanga kay Arjo. “Wala kang ibang maisip na gagawa nito kundi si Arjo. I’m a super fan of Arjo eversince, sa ‘Probinsyano’ lagi kong sinasabi sa kanya. Wala kang mai-imagine na gagawa nito. Kaya dapat panoorin ito ng lahat. Maipagmamayabang mo itong Bagman dahil iba talaga ito.”

Kahit si Direk Lino ay hanga rin sa galing ni Arjo gayundin sa iba pang mga kasamahang actor na sina Raymond, Yayo, Alan Paule, at Chanel Latorre. “Puwedeng magkaroon ito ng series, ang problema lang baka kunin na ng Hollywood si Arjo dahil sa galing at sobrang ganda ng story.”

Dahil sa praises ng mga kasamahan at director, natanong si Arjo kung alam niyang magaling siyang actor. Anito,”I said this a couple of times. Hindi po eh. To me it’s just a job, but I’m very thankful for the kind and sweet words. I appreciate what they said. I appreciate everyone. At the end of the day, I think, I don’t think, I’m a good actor at all. I think this what keeps me going everyday, self doubt. I always believe I have to learn everyday.

“It’s always in my head, walang ganoong bagay, always be ready, always be 100 percent on what you do. Ganoon lagi ang ginagawa ko. I put my heart into it. When I go home, I’m me, Im not an actor, I’m myself. I detach myself. It’s not in my head and I’m very thankful. I’m very overwhelm. After seven years I thought I’ll be supporting these lead actors. I’m very thankful I’m given this opportunity to tell you this story.”

Original series ang Bagman na sa three drops mapapanood—Marso 27 ang anim na episodes, susundan sa March 27 na tatlong episodes, at sa Abril 3 ang last three episodes.

Mas intense ang action na ginawa ni Arjo sa Bagman kung ikokompara sa Ang Probinsiyano.

“Bawat scene realistic talaga,” sabi nga ni Raymond. “Puwedeng sumabay internationally.”

“Every scene ay napaka-challenging,” pag-amin ni Arjo. “Everything is so hard. The whole thing is very hard. Nothing is easy.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …