Tuesday , April 15 2025
arrest posas

Nanggulpi ng ginang, Padyak drayber kulong

ARESTADO ang isang 27-anyos padyak dray­ber  makaraang mang­gulpi ng isang ginang sa Malabon City kahapon ng tanghali.

Kritikal sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Mildred Arias, 43-anyos, residente sa P. Aquino St., Gozon Com­pound, Brgy. Tonsuya sanhi ng mga tama ng suntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahuli ang suspek na kinilalang si Dande Al­cantara, ng Block 4, Para­dise Village ng nasabing barangay na nahaharap sa kasong Serious phy­sical. Batay sa ulat ni Malabon Police Operation head Chief Insp. Romulo Mabborang, dakong 1: 00 pm nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Dumating ang lasing na suspek at kinom­pronta ang biktima sa hindi nabatid na dahilan, kasabay ng panggulgulpi kay Arias.

Bumagsak sa sahig ang biktima dahilan u­pang mawalan ng malay kaya isinugod sa na­sabing pagamutan.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *