NANAWAGAN ang broadcast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad sa pamahalaan na radikal na aksiyon ang kailangan upang ikontrol ang epekto ng El Niño sa suplay ng tubig lalo para sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Manicad, maaaring mawalan ng bilyon-bilyong piso ang sektor ng agrikultura kung hindi magpapatupad ng agarang aksiyon upang pahupain ang pinsalang dulot ng matinding init ng panahon.
“We are an agricultural nation. We depend on agriculture for food but the looming water crisis is taking its toll on our farms and livestock,” ani Manicad.
Sinabi rin ng batikang mamamahayag, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority, mga 57 porsiyento lang o 1.73 milyong ektarya ng mga sakahan sa bansa ang may maayos na sistema para sa irigasyon o patubig.
“Where our irrigation system gets water – the dams – are getting dry. This could mean a crisis if we don’t mitigate the effects of the El Niño,” babala ni Manicad.
Nanawagan din ang mamamahayag sa mga nakatira sa kalunsuran, lalo sa Metro Manila, na mag-ipon ng tubig lalo na’t lumalala ang sitwasyon sa suplay ng tubig sa rehiyon.
“‘Wag din nating kalimutan na ang tubig na tinitipid ng tao ay mapapakinabangan ng mga palay, gulay at iba pang pananim,” aniya.
Kinukuha ng Metro Manila ang tubig mula sa Angat, Ipo at La Mesa dams.
Bahagi ng tubig mula sa Angat Dam ay ginagamit din upang patubigan ang mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.
“Unnecessary use of water, for sports and other recreational activities, should now be stopped,” panawagan ni Manicad.
Bahagi ng plataporma ni Manicad ang maghain ng mga batas na tutuon sa agrikultura at paninigurado ng sapat na pagkain sakaling mahalal sa Senado sa susunod na halalan.