Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

14-anyos rider sumalpok sa poste todas

BUMANGGA sa isang poste nang sumampa sa center island ang sina­sakyang motorsiklo ng isang 14-anyos rider na ikinasugat ng kanyang angkas, iniulat kahapon sa Muntinlupa City.

Bigong sagipin ang buhay ng 14-anyos rider nang idating sa Ospital ng Muntinlupa na kinilalang si Patrick Obispo, dahil sa grabeng pinsala sa kata­wan habang nilalapatan ng lunas ang angkas na si Oscar Mogate, 18.

Sa ulat na nakarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang aksidente sa Westbound lane ng Alabang-Zapote Road, Filinvest, Bgy. Alabang, Muntinlupa City dakong 3:30 am.

Nabatid, minamane-ho ng nasawing si Obispo ang Yamaha motorcycle na walang plaka, angkas si Mogate at habang binabaybay ang natu­rang lugar hindi nakontrol ng biktima ang preno nito.

Naging dahilan upang sumampa sila sa center island hanggang sumalpok sa isang poste.

Sa lakas nang pagka­kabangga, nahulog ang mga biktima mula sa motorsiklo na dali-daling isinugod sa nabanggit na ospital ng nagrespondeng Lifeline Rescue Ambu­lance, pero binawian ng buhay bago idating sa ospital. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …