Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Nakatatawa ka Albay Rep. Joey Salceda

TILA may kabaklaan ang mungkahi nitong si Albay Rep. Joey Salceda na dapat bigyan ng suweldo ang mga misis na walang trabaho at nag-aalaga ng mga anak.

Ano kaya ang pumasok sa kukote nitong si Salceda at walang kabuhay- buhay ang kanyang House Bill 8875 sa Kongreso. Hindi ba dapat ay mga mister nila ang bumuhay sa kanyang pamilya kasama na siyempre ang kanilang misis.

Sa mungkahing ito ni Salceda, mas lalong darami ang mga tamad na mister na magtrabaho at aasa na lamang sa sahod ni misis na kahit nasa bahay lang ay may matatanggap na sahod.

Kung hindi baliw itong si Salceda ‘e nasisiraan na yata ng ulo.

Imbes himukin ang mag-asawa na parehong magtrabaho para masuportahan ang basic needs ng pamilya, nagiging masama pang impluwensiya!

Posible rin na sakaling may sahod ang mga maybahay ay mayroon nang pambili ng kanilang mga bra at panty na hindi nila mabili dahil kapos ang ibinibigay ni mister.

Mabuti kung ganoon ang kaso. Alam naman natin partikular sa depressed areaa, kakainin na lamang nagsusugal pa ng tong-its o kaya ay binggo!

Mas mainam kung dagdagan ang sahod ng mga manggagawa kaysa bigyan ng sahod ang mga maybahay!

Sa dami ng mga maybahay sa bansa na walang trabaho baka kapusin sa aspektong pinan­siyal na mas dapat ipagka­loob sa mga karapat-dapat!

 

Sabi ng Pangulo

MAYAMAN MAS YAYAMAN

Paniwala ni Pangul­ong Rodrigo Duterte na mas yaya­man ang maya­yamang kandi­dato kung sila ang iboboto!

Ibig bang sabihin ni Pangulong Duterte, huwag iboto ang gaya ni Senator Cynthia Villar? Alam nang lahat na super rich ang mga Villar at ang anak nilang lalaki na si former Las Piñas City congressman Mark Villar ay siya ngayong DPWH Secretary ng administrasyon.

Alam nang lahat, simula pa lang ay may gintong kutsara na sa bibig si Senator Cynthia Villar at siya ay ibinoto dahil natutugunan niya ang pangangailangan ng mga lumalapit sa kanya.

Maraming negosyo at maraming nabibigyan ng trabaho. Itong si Pangulong Duterte hindi nag-iingat sa kanyang pananalita.

Kung mahirap na tao ang kandidato at sakaling manalo, bago matapos ang termino yayaman din ‘yan! Paano? Kung gagawa ng mga proyekto, sa dami ng proyekto marami rin ang goodwill money ‘di ba?

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …