Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Big time party drugs supplier utas sa buy bust

PATAY ang isang ‘negosyante’ na sinabing big time supplier ng party drugs nang mauwi sa palitan ng putok ang ikinasang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium building sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Martes nang madaling araw.

Nakuha ang mahigit P.3 milyong halaga ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng shabu at ecstasy sa suspek na kinilalang si Steve John Pasion.

Arestado ang kinak­sama ni Pasion na isina­sailalim sa imbesti­gasyon.

Sa ulat, nabatid na nagsagawa ang PDEA ng buy bust operation laban kay Pasion sa isang condominium tower nang biglang bumunot ng baril ang suspek nang maka­halata na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Nabaril ang suspek habang tumatakas sakay ng isang SUV na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon kay PDEA-NCR Director Joel Plaza, si Pasion ang pinaka­bigating supplier ng party drugs sa Metro Manila na target ang mga kabataan, mga artista, at mga modelo.

Kabilang umano sa mga parokyano ng sus­pek ang dalawang hindi pinangalanang ‘high profile celebrities.’

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …