Saturday , November 16 2024
arrest posas

2 mangingisda arestado sa shabu

KULONG ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos maaktohan ng mga pulis na nag-aabutan ng shabu sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Maritime Police Supt. Virgil Ranes ang mga naaresto na sina Puloy Doguiles, 31-anyos, mangingisda, at Agripino Basbas, 42-anyos, kapwa residente sa Market 3, Navotas Fish Port Complex, Brgy. NBBN.

Lumabas sa imbestigasyon ni PO1 Dexter Libed,  dakong 2:00 am, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Navotas Maritime Police sa pangunguna ni SPO1 Rummel Gloriane, kasama si PO3 Sherwin de Guzman, PO3 Chito Vergel, SI Banag, PO1 Jose Carlo Adique, PO1 Roger Abiada, PO1 Ryan Jay Paulo at PO1 Llouje Demdan sa kahabaan ng Palengke St., Brgy. NBBN.

Dito, naaktohan ng mga pulis ang tatlong katao na nag-aabutan ng plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya nila­pitan ang mga sus­pek ngunit naga­wang makatakas ng isa sa kanila.

Nasakote ng mga pulis si Do­guiles at Basbas at nang kapkapan ay nakuha sa mga suspek ang dala­wang plastic sachet na nagla­laman ng hinihi­nalang shabu.

(R. SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *