Monday , December 23 2024

Mga inulila ng bilyonaryong si George Ty sana’y makasumpong ng katahimikan

SABI nga, kahit anong pilit itago ang baho, aalingasaw pa rin.

Usap-usapan ngayon ang kasong estafa na inirekomenda  ng Office of the City Prosecutor ng Makati  sa korte laban kay Margaret Ty-Cham, ang anak na tinanggalan ng mana ng kanyang ama, ang bilyonaryong si George Ty. 

Nakapagtataka marahil na ang isang gaya ng anak ng bilyonaryo ay masampahan ng kasong estafa. Kahit naman kasi sabihing natanggalan siya ng mana, mas malamang na hindi naman siya gipit sa pera.

Hindi naman lingod sa lahat na ama ni Margaret ang  isa sa pinakamayaman sa Filipinas na siyang nagmamay-ari ng Metrobank, Federal Land, PS Bank, AXA Life at iba pang malalaking negosyo. 

Pero ang usap-usapan sa business world, matagal nang itinatwa ni Ty ang anak na si Margaret dahil sa sunod-sunod na kuwes­tiyo­nableng transaksiyon na pinasok pero sa huli ay kinailangan pa rin siyang isalba ng kanyang ama.

Hanggang dumating ang panahon na napuno ang matandang Ty kaya’t noong 2017, isina­publiko niya mismo sa malalaking pahayagan  ang kanyang pagputol ng relasyon kay Margaret at binigyang-diin na walang kinalaman ang George S.K. Ty Family Group of Companies sa mga business dealings ng anak. 

Ngayong namayapa na si Ty, tila hindi pa rin matatapos ang kalbaryo ng pamilya kay Margaret.

Ayon sa mga sources na malapit sa pamilyang Ty,  hindi na nakapagtataka kung bakit hindi isinama si Margaret at ang ina niyag si Lourdes de Lara at kapatid na si Anthony sa mga listahan ng pamamanahan ni Ty, na nakasaad sa kanyang  “last will and testament.”   

At ‘yan umano ay dahil sa pinakabagong eskandalo na dala ni Margaret na nakasisira sa magandang pangalan at reputasyon ng yumaong Ty, ayon sa mga malapit sa pamilya.

Kaya nga sa kasong kinakaharap ni Margaret sa Makati Prosecutor’s Office, ang complainants na sina Carlito Pineda at Robert Vincent Jude Jaworski Jr., ay nagpatunay na sila ay naggantso ni Margaret nang halagang P12 milyon.

Ang tanong nga ngayon, makasumpong pa kaya  ng katahimikan ang mga naulila ng bil­yonaryong si George Ty?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *