Sunday , December 29 2024

Yul Servo, nagpapatayo ng dagdag na gusali sa 2 paaralan

SINIMULAN na ang pagpapatayo ng dalawang gusali ng Mabini Elementary School na may 4-storey-28 classroom building, at ng 4 storey-12 classroom building para naman sa Juan Sumulong Elementary School ngayong Marso, matapos isagawa ang matagumpay na groundbreaking ceremony at unveiling na pinangunahan ni Congressman Yul Servo Nieto. Bahagi ito ng Local Infrastructure Program ng gobyerno sa dalawang paaralan ng ikatlong distrito ng Maynila.

Kasamang dumating sa pasinaya ang mga punong-guro ng nabanggit na paaralan na sina Gng. Maritess Labarguez at G. Andres Pelayo at ng iba pang mga punong/guro ng iba’t ibang paaralan, mga punong barangay, kagawad at mga opisyal ng ikatlong distrito, mga kawani ng Department of Education na sina Gng. Lolita Rabago at G. Virgilio Santos, at mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways. Kasama rin sa programa sina Apple Nieto at Fa Fugoso.

Labis ang pagpapasalamat ng mga estudyante at guro ng Mabini Elementary School at ng Juan Sumulong Elementary School sa dagdag na gusali  para sa kanilang mga paaralan sa pangunguna ni Congressman Yul.

Ito’y dalawa lamang sa 16 na pampublikong paaralan sa distrito na sisimulan ngayong taon. Matatandaang nauna nang nagsagawa ng parehong programa ang Padre Mariano Gomez Elementary School, Cayetano Arellano High School, Dona Teodora Alonzo High School, at Jose Abad Santos High School.

Bukod sa mga paaralan, nagkaroon na rin ng groundbreaking ceremony sa ilang ahensiya para sa bagong mukha ng kanilang gusali tulad ng Justice Jose Abad Santos General Hospital, Binondo at ng Manila Police Station District III, Sta. Cruz, Manila.

Binigyan diin din ni Congressman Nieto na ang edukasyon ay isang pamana at gabay sa pag-unlad para sa hinaharap. “Itaguyod ang isang bukas na puno ng oportunidad para sa kabataan gaya ng nais ko para sa aking mga anak,” pahayag ni Congressman Yul na maitutulad sa sinabi ni Nelson Mandela na isang political leader, na ang edukasyon ang pinakamabisang sandata para baguhin ang mundo.

About hataw tabloid

Check Also

Sunshine Cruz Atong Ang

Sunshine lalong bumata at sumeksi, maligaya kay Atong Ang

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio FRESHNESS overload. Iba talaga kapag in love. Ito ang nakita …

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *