Tuesday , December 24 2024

Quarry/stl operator itinumba sa lamayan (Driver ng alkalde ng Infanta, 3 kaanak patay rin, 2 senior citizen sugatan)

PATAY ang driver ng Infanta mayor na kilalang operator ng quarry at small town lottery (STL) sa nasabing lalawigan nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa isang lamayan sa nasabing lalawigan nitong Miyerkoles nang gabi.

Hindi rin nakaligtas sa kamatayan ang kanyang tatlong kaanak, kabilang ang dalawang septuagenarian nang sunod-sunod na nagpa­putok ang suspek para tiyakin ang kamatayan ng main target na si Michael Cuento, 50 anyos.

Sinabi ni Colonel Osmundo de Guzman, Quezon police provincial director, dakong 8:45 pm nang biglang sumulpot ang hindi pa kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang .45 kalibre ng baril ang mga biktima habang nakikipaglamay sa isang kapitbahay sa Sitio Irrigation, Barangay Ilog sa nasabing bayan.

Kinilala ang iba pang biktimang namatay na sina Herman Cuento, 70; Leon Cuento, 73; at Manuel Cuento, 41, na namatay habang isinu­sugod sa Claro M. Recto Memorial District Hos­pital.

Samantala, sugatan sina Maximo Cuento, 65, at Napoleon Miras, 68, kapitan sa kalapit na barangay na dinala rin sa nabanggit na ospital.

Tumakas ang suspek gamit ang isang motor­siklo na minamaneho ng isa niyang kasabwat.

Sa panayam kay De Guzman, sinabi niyang bigla na lang sumugod sa lamayan ang suspek at agad binaril ang main target si Michael.

Nilapitan pa umano ng suspek si Michael at sunod-sunod na binaril upang tiyaking patay ang biktima.

Dagdag ng pulisya, nabaril ang iba pang biktima dahil sa sunod-sunod na pagpapaputok ng baril ng suspek.

Inihayag ni De Guzman, nauna nang nakaligtas sa tangkang pagpatay noong 2016 si Michael at kasalukuyan pang nakakulong ang suspek.

Ayon naman kay Infanta Mayor Grace America, official driver ng kanyang opisina si Michael at tagahawak din ng quarry permit sa kanilang lugar.

Dagdag ng alkalde, nagpahayag ng pangam­ba si Michael tungkol sa nalalapit na eleksiyon lalo’t magkakaroon ng gun ban.

Nangyari ang ambush noong 2016, panahon din ng eleksiyon at may ipinatutupad na gun ban ngunit nakaligtas ang biktima.

Pinayohan umano ng alkalde si Michael na mag-ingat upang hindi mang­yari muli ang tangkang pagpatay sa kaniya ngunit hindi segurado kung ang mga tangkang pagpatay ay may kina­laman sa politika.

Sinabi ni Major Hobert Sarmiento, officer-in-charge ng Infanta police, muli umanong iniimbestigahan ang unang tangkang pagpa­tay upang malaman kung konektado sa pagpaslang sa kaniya.

Dagdag ni Sarmiento, tinitingnan din nila ang negosyo ni Michael bilang quarry operator at nama­mahala sa operasyon ng STL  sa Infanta na posi­bleng may kinalaman sa pagpaslang sa kanya.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *