Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, mas hinarap ang pagiging Thuy kaysa humanap ng GF

NAGBABALIK-‘PINAS ang tinaguriang Thuy ng Miss Saigon UK/International Tour ng Cameron Mackintosh na si Gerald Santos para ibahagi ang nalalapit niyang concert, ang Gerald Santos: The Homecoming Concert sa May 4, 2019, 8:00 p.m. sa The Theater at Solaire na handog ng Mediabiz Entertainment Production, Echo Jam, at Twin M Productions.

Humarap noong Miyerkoles ng tanghali si Gerald, kahit nahihilo-hilo pa at medyo ‘di maganda ang karamdaman dahil sa biglang pagbabago ng klima, sa ilang piling entertainment press para ibalita ang nalalapit niyang concert at ang matagumpay na pagganap bilang Thuy sa Miss Saigon.

Kuwento ni Gerald, naka-553 performances na siya simula noong May 2017 at nakapag-perform na sa 14 venue sa buong UK, Switzerland, at Germany sa loob ng dalawang taon.

Makakasama ni Gerald sa isang gabing pagtatanghal sina Jake Zyrus gayundin ang ilang Filipino co-principals sa Miss Saigon UK/International Tour na sina Aicelle Santos (na gumanap na Gigi), Joreen Bautista (alternate Kim) at ang legendary Leo Valdez (The Engineer).

Nakatutuwa ang ilang kuwento si Gerald sa experiences niya sa Miss Saigon na ‘ika niya’y hindi mababayaran ang mga naranasan, natutuhan niya sa buong tour. “Mapa-personal man o professional, ang dami kong natutuhan. Sa personal kong buhay natutuhan ko kung paano alagaan ang sarili ko, kung paano mamuhay mag-isa. Kahit ‘yung mga simpleng bagay kahit ‘yung mga laundry, paghuhugas ng sariling pinagkainan, grocery, paggamit ng transportations. At ‘yung pag-aalaga sa sarili hindi iyon biro lalo’t eight shows per week.

“Sa UK kami for 1 ½ years, then Switzerland, Germany. Professionally, naman po marami rin akong natutuhan dahil nga sa eight shows na ‘yun per week kumbaga malalaman mo kung sa boses mo may matututuhan kang technique, pag-iingat. Kahit sa acting, marami akong na-explore. Para hindi rin ma-bore kailangan may iba rin maipakikita para fresh.”

Hindi rin makalilimutan ni Gerald ‘yung first week niya sa London lalo’t first time niyang mag-solo sa buhay. “First kong mag-asikaso sa sarili ko, may rehearsals kami from 10:00 a.m. to 6:00 p.m. parang sabi ko ‘kakayanin ko ba ito?’ Kasi nagre-rehearsal kami tapos ako pa ang lahat ng nagluluto ng pagkain ko. Kasi ayokong kumain ng kumain sa labas kasi magastos. Siyempre gusto kong makapag-ipon, makapagtipid. ‘Yun din ‘yung natutuhan ko how to manage ‘yung time mo sa work, time mo sa paghahanda sa food mo and ‘yung pag-aalaga mo sa sarili mo.”

At lahat ng sakripisyong ito’y maganda naman ang kinahinatnan dahil naka-ipon siya.

Ang nakatutuwa pang kuwento ni Gerald ay nagdala pala siya ng rice cooker patungong London. “Opo may dala po akong rice cooker, pero nasira na siya ngayon, ha ha ha.”

At nang tanungin namin kung may naging girlfriend siya sa tagal niya sa London, “I had a couple of dates, but nothing serious. Noong nasa Europe naman sa Switzerland and Germany, masyado akong naging busy sa pamamasyal so, wala talagang time sa ganoon.

“Okey din naman na I just had a couple of dates sa UK kumbaga, hindi kasi ‘yun ang priorities mo eh. Habang nagso-show, minsan gusto nilang makipagkita ng gabi, tapos may show ka sa gabi, hindi po talaga magkakatugma ‘yung schedules n’yo.”

Kaya kung gusto ninyong mapakinggan ang magandang tinig ni Gerald, go na kayo sa Gerald Santos Homecoming Concert sa The Theater at Solaire. Mabibili ang tiket sa TicketWorld with telephone number: (02) 891 9999.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …