Saturday , November 16 2024

Sa robbery extortion… EDP Director, Pasay COP, 44 pulis sibak

INALIS sa puwesto ni National Capital Regional  Office (NCRPO) chief Police Major General Guillermo Eleazar ang buong puwersa ng Pasay City Police Drug Enforcement Unit (PCP, DDEU) at Eastern Police District (EPD) kabilang ang kanilang director at hepe matapos mahuli ang ilan sa kanilang miyembro sa pangongotong nang maaresto sa magkahiwalay na entrapment operations nitong Martes.

Sa utos ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde,  ang mga sini­bak sa puwesto ni Eleazar ay sina Police Briga­dier General Barnabe Balba, director ng  EPD; Police Colonel Noel Flores, hepe ng Pasay City Police; 15 police na nakatalaga sa Pasay City  Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at 27 pang police na katalaga sa iba’t ibang departamento.

Ini-relieve sa puwesto si Flores, hepe ng Pasay police at 15 tauhan ng SDEU dahil sa pagkaka­aresto sa isa nilang mi­yem­bro na si Corporal Anawar Nasser, na sinabing nangingikil ng P.1 milyon mula sa isang drug suspect.

Nabatid na nadakip ng mga miyembro ng Pasay-SDEU ang suspek na si George Revilla, ni­tong Martes ng hapon at hiningian umano ng ku­war­ta ang live-in partner nito kapalit ng kalayaan.

Nagreklamo at nagsumbong ang babaeng kinakasama ni Revilla sa Counter Intelligence Task Force (CITF) ng PNP na nagsagawa agad ng entrapment operation laban sa mga ng Pasay-SDEU.

Bitbit ang marked money, pumunta ang babae sa nabanggit na tanggapan pero kinapka­pan siya ng grupo at na­dis­kubre ang kanyang dala.

Kinuha nila ang cell­phone ng babae kaya hindi nakapagbigay ng senyales sa mga operatiba ng CITF dahilan para makatakas, pero nadakip naman si Nasser.

Patuloy ang imbesti­gasyon habang nagsasa­gawa ng manhunt opera­tion ang pulisya matapos makatakas ang tatlong kasama ni Nasser.

Samantala, sinibak sa puwesto si Balba, mata­pos mahuli sa entrapment operation sa kasong “robbery extortion” ang isang tauhan niya na kabilang sa 44 pulis na sinibak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Alba­yalde.

Nauna nang sinibak ang 15 miyembro ng EPD District Drugs Enforce­ment Unit (DDEU) ga­yon­din ang 27 miyembro ng Station Drug Enforce­ment Unit ng Pasay City police.

Sa kabuuan, 44 pulis ng Eastern Police District at Pasay ang inalis at inilagay sa holding center unit ng PNP.

“The CPNP, Police General Oscar Albayalde has immediately directed RD NCRPO Police Major General Guillermo Eleazar to speed up both the criminal and adminis­trative proceedings as part of our massive cam­paign on internal cleansing to regain the full trust and confidence of our people,” pahayag ni Banac sa mga reporters.

“We assure the public that the guilty ones will be jailed and dismissed from the service for such kind of personnel have no place in the PNP. We never tolerate anyone of our colleagues for committing illegal acts or crimes,” dagdag nito.

Nabatid  na nag-ugat ang pagsibak ng mga opisyal at mga pulis matapos ang magkahi­walay na entrapment operation, una ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) laban kay Corporal Anwar En­car­nacion Nasser, miyem­bro ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Pasay police dakong  4:10 am sa loob mismo ng tanggapan ng SDET.

Nauna rito inaresto si P/Cpl. Marlo Quibete ng DEU Pasig dahil sa ka­song extortion.

Kasunod nito, sinibak sa puwesto ang 15 tauhan ng Pasig PNP kabilang ang hepe ng District Drug Enforcement Unit nang maaresto sa entrapment operation sa kasong “robbery extortion” si Quibete sa lungsod ng Pasig.

Sa ulat ng EPD-PNP, tinanggap ni Quibete ang P20,000 mula kay Eva Quilala dakong 10:30 pm sa operasyonng isinaga­wa ng NCRPO Regional Special Operations Unit sa Bgy. Santolan.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Quilala, live-in partner ng isang nag­nga­ngalang Aries Ochoa­da na nadakip sa buy bust operation sa lungsod ng Marikina.

Bukod umano sa P60,000 na halaga ng perang kinuha ng pulis, inangkin din nito ang gintong kuwintas ni Quilala.

Sapilitan din uma­nong pinapirmahan ang deed of sale ng motorsiklo na pag-aari ni Ochoada at karagdagang P20,000.00.

Apela ni Eleazar sa publiko, huwag matakot na isumbong ang mga abusadong pulis.

Kasong robbery extortion naman ang kinakaharap ng pulis na si Quibete.

nina MANNY ALCALA/EDWIN MORENO/JAJA GARCIA

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *