Tuesday , December 24 2024

Pekeng pampaganda at pampaputing produkto, kinompiska ng FDA

KINOMPISKA ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga pekeng pampa­ganda at pampaputing produkto makaraang magkasunod na sala­kayin ang dalawang esta­blishment sa Antipolo City at Matina, Davao City kamakailan.

Ayon kay FDA Dir. General Nela Charade Puno, unang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang dalawang sangay ng Misumi Direct Sales sa No. 25 Maya Ave. Okinari Bldg., Merville Park Subd., San Roque, Antipilo City na pag-aari ng isang Donnah Mae Martinez-Miranda.

Kabilang sa mga kinompiskang pekeng produkto ay Bihaku Aha Blue Booster with Blue­berry Fruit Extract, Skin whitening products, Bihaku Whitening lotion, Seoul Beauty Pore-Fect Powder Infuse with Snail 30ml.

Nahaharap na nga­yon sa kasong paglabag sa rules and regulation ng FDA si Martinez dahil sa pag-o-operate nang walang License to Operate (LTO) at Certificate of Product Registration (CPR) mula sa FDA.

Sinalakay din ng mga tauhan ng FDA ang Misumi Direct Sales na makikita sa 2nd floor Vastland Bldg. McArthur Highway cor. Topaz St., Matina, Davao City na nakompiskahan din ng mga pekeng produkto  na nagkakahalaga ng P220,560.

Ayon kay Puno, ang mga nakompiskang pro­dukto ay kabilang sa 34 unregistered at potential “hazardous cosmetic products.”

Nagpapatulong na rin ang FDA sa iba’t ibang law enforcement na banta­yan ang mga sinalakay niyang establisment at local government units (LGUs) upang hindi makapasok at maka­pagbenta sa kanilang lu­gar ng mga nabanggit na pekeng produkto dahil makasasama sa kalusu­gan ng tao.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *