Saturday , November 16 2024

Hybrid seeds, modernong makinarya para sa mga magsasaka — Mar Roxas

NANAWAGAN si former Trade and Industry secretary Mar Roxas sa Department of Agricul­ture (DA) na pagkalooban ng hybrid seeds at modernong kagamitan ang mga magsasaka upang mapataas ang kanilang ani.

Sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang lalawigan, sinabi ni Roxas na ang karaniwang ani ng mga magsasaka ay tatlo hanggang apat na tonelada lamang gayong puwede naman itong pataasin pa.

“Kailangang tulungan ng gobyerno na makakuha ng magagandang hybrid seeds ang mga magsasaka. Sa Bago City, Negros na hindi kilala na rice granary, ang kanilang yield is 6-8 tons per hectare. Ito ang unang suggestion ko. Pangalawa, kung maganda ang aanihin pero mababa naman ang recovery, mapurol ang thresher at sa kalsada nagbibilad ng palay kasi walang dryer kaya maraming tapon. Dapat, i-upgrade ng gobyerno ang post-harvest facilities ng farmers. Sa dalawang paraan lamang na ito, maaaring lumaki nang singkuwenta porsiyento ang kikitain ng mga magsasaka,” sabi ni Roxas.

Bukod dito, sinabi ni Roxas na dapat din mabigyan ng kapangyarihan ang local govern­ment units na makatulong sa mga magsasa­kang nasa rural areas dahil mas alam nila ang panga­ngailangan ng mga magsasaka.

Hinikayat ni Roxas ang DA na tutukan ang irigasyon sa mga kabukiran, lalo na’t papasok na naman ang El Niño na magdu­dulot ng tagtuyot sa maraming bahagi ng bansa.

“Kailangan natin ng holistic approach sa pagtulong sa mga magsasaka, mula sa binhi, makinarya, pataba, patubig hanggang sa post-harvest facilities. Ito ang gusto kong isulong kapag nabigyan ako ng panibagong pagkakataon na makapaglingkod bilang senador,” sabi ni Roxas na kilalang ekonomista.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *