NA-SHOCK ang isang female star nang may magpakita sa kanya ng pictures ng kanyang boyfriend na kuha sa abroad, at kasama sa picture ang isang gay millionaire. Wala namang balita na ang boyfriend niya ay “suma-sideline,” pero bakit nga ba kasama niya sa abroad ang rich gay, at bakit hindi niya nasabi sa kanyang girlfriend ang lakad niyang iyon.
Ang alam ng girlfriend ay out of town lamang ang boyfriend niya para sa isang photoshoot at hindi sa abroad, lalong wala siyang alam na may kasama iyong gay.
Natural nagwala ang female star at inaway pati ang manager ng boyfriend niya na kilala namang “matchmaker” at nagulat siya sa sagot niyon, “sabi kasi niya kailangan niya ng pera.” (Ed de Leon)