Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manicad: Bagong dugo kailangan sa Senado

NANAWAGAN ang broad­cast journalist at kandidato para sa Senado na si Jiggy Manicad na kailangan ng bagong dugo sa Senado upang magpatupad ng mga makabagong ideya at malikhaing solusyong tutu­gon sa mga problema ng bansa.

Si Manicad, isang batikang mamamahayag na ngayon lamang sumabak sa politika, ay partikular na nag­susulong ng agarang repor­ma sa sektor ng agrikultura at sa mga kasunduang magpapabuti ng trato sa oversesas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Dahil marami sa kan­yang mga kapwa kandidato ay nakapagserbisyo na sa Senado, naniniwala si Manicad na kailangan din ng mga bagong mukha upang i-”complement” ang kara­nasan ng mga beteranong mambabatas.

“The Senate needs new blood, fresh ideas and the political will to institute reforms,” pahayag ni Mani­cad na isa sa mga pinaka­batang kandidato para sa Senado sa darating na halalan.

Kabilang sa mga repor­mang kanyang isinusulong ang pagpaparami ng mga “Bagsakan Center,” pag­sasagawa ng mas mara­ming farm-to-market roads, paggamit ng bagong tekno­lohiya upang palakasin ang produksyon sa agrikultura, at pagtatalaga ng mas maraming eksperto at siyen­tipiko sa Department of Agriculture (DA).

Ang Bagsakan Center ay isang bilihan para sa ani mula sa mga sakahan na pinatatakbo ng mga magsa­saka mismo upang hindi na dumaan ang kanilang mga produkto sa mga middleman.

Isa pang prayoridad na sinusulong ni Manicad ang pagwawakas sa kafala system ng ibang mga bansa sa Middle East na marami ang OFWs.

Sa ilalim ng nasabing sistema, ang bawat migran­teng empleyado ay magka­ka­roon ng “sponsor” sa bansang pupuntahan bago pa man dumating doon.

Ang ‘sponsor’ ay maaaring tao o kompanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …