Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Laborer patay, kapatas sugatan sa P.1-M holdap sa Naga City

PATAY ang isang isang construction worker sa­man­tala sugatan ang kapa­tas nang holdapin sa kanila ang P.1 milyong pangsahod sa Naga, Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Aldrin Pida, 32, tubong Tigaon, Camarines Sur ha­bang sugatan si Gelito Cano­og, 57, foreman, ng Cebu City.

Sa panayam kay P/Maj. Joey Curre, hepe ng Naga City Police Station 4, sinabi nitong sakay ng motorsiklo ang mga biktima at papun­tang Deca Homes Sub­division dala ang P100,000 pangsuweldo nang hara­ngin ng dalawang naka­motorsiklong mga suspek at sila ay pinaputukan.

Parehong tinamaan ng bala ng baril ang dibdib ng mga biktima mula sa kalibre .45.

Napuruhan ang con­struction worker na agad niyang ikinamatay samantala nakaligtas ang foreman na kasalukuyang nagpapa­galing.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, naniniwala ang pulisya na matagal nang minamanmanan ng mga suspek ang mga biktima dahil alam umano na may dalang malaking halaga ng pera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …