Saturday , November 16 2024
heat stroke hot temp

Dahil sa tagtuyot… 5 bayan isinailalim sa state of calamity

IDINEKLARANG nasa state of calamity ang limang bayan sa Cotabato dahil sa matinding tagtuyot na nararanasan sa Mindanao.

Ayon kay Engineer Arnulfo Villaruz, warning and action officer ng Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), at sa pagsubaybay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napabilang ang Rehiyon 12 sa “low amount of rainfall” at halos lahat ng mga bayan ay nakararanas ng sobrang init ng panahon.

Kabilang ang mga bayan ng Pikit, Aleosan, M’lang, Alamada, at Tulunan, North Cotabato kaya isinailalim sa state of calamity.

Lubos na apektado ng tagtuyot ang ekta-ektaryang pananim at bumaba rin ang lebel ng tubig sa malalaking ilog.

Namigay na rin ng tulong ang provincial government sa pamamagitan ng Cotabato-PDRRMC sa mga bayan na sinalanta ng tag-init.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *