NAGPAUNLAK ng panayam ang legal counsel ni Kris Aquino na si Atty. Sigfrid Fortun sa online website na PEP na sumusubaybay sa bakbakang Kris at sa magkapatid na Nicko at Atty. Jesus Falcis.
Nasulat kasi na nakadalawang panalo na si Nicko sa kasong 44 counts of qualified theft sa Makati at Pasig na magkasunod na dinismiss noong Biyernes at nitong Martes.
Ayon kay Atty Sigfrid, “There are still 6 other cases left. The result of the 2 will not affect the 6 others.
“Even if it does, none of the dismissed cases found absence of wrongdoing by respondent. It in fact found that credit was used by respondent for the purchase of goods using a company card.
“So, he (Nicko) is not yet off the hook. And he will still have a lot to pay for what he had done. Hindi pa tapos ang laban. Huwag muna umastang panalo na,” saad ng abogado ni Kris sa PEP.
Sa mga nagtatanong kung bakit sa pitong siyudad sa Metro Manila isinampa ni Kris ang kasong 44 counts of qualified theft ay dahil sa mga nabanggit na lugar din ginamit ni Nicko ang credit card na pag-aari ng KCA Productions na pampersonal.
At sa katunayan ay nag-offer pa si Nicko na babayaran niya ang mga nagastos niya.
Umaasa ang kampo ni Kris na sa mga siyudad ng San Juan, Mandaluyong, Taguig, Manila, at Quezon City ay mabibigyan siya ng hustisya laban sa kasong isinampa niya sa rating tauhan sa KCAP.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan