NAALARMA ang isang gay businessman nang makahalata siyang ang isa sa kanyang brand endorsers ay nilalandi ng isang female tv host. Natural maalarma siya, dahil kung masisira ang image ng kanyang endorser, pati ang mga produkto niya ay madadamay. Talaga raw binantayan ng businessman ang endorser at sinabihan talagang layuan ang haliparot na female tv host.
Eh iyang female tv host na iyan, mayroon naman talagang record ng pagiging haliparot eh. (Ed de Leon)