TATALAKAYIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangunahing “regional issues” partikular ang aspekto ng seguridad sa nakatakdang pulong nila ni US Secretary of State Mike Pompeo sa Malacañang bukas.
“Any subject matter that is mutually beneficial to both countries will be discussed or any matter for he Secretary to rise,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo hinggil sa Duterte-Pompeo meeting.
Ang pagbisita ni Pompeo sa bansa ay magaganap sa gitna ng magandang relasyon ng China at Filipinas sa kabila ng pagtatayo ng mga estruktura ng Beijing sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Tiniyak ni Panelo, mapag-uusapan ang isyu ng South China Sea kapag itinanong ni Pompeo kay Pangulong Duterte.
“If the Secretary of State would raise it, then it would be discussed,” ani Panelo.
Maaari rin aniyang matalakay ang Mutual Defense Treaty sa naturang pulong.
(ROSE NOVENARIO)