BAKIT naman binibigyan ng masamang kulay iyong sinasabing nagbigay ng isang thanksgiving dinner si Gretchen Barretto dahil sa pagkaka-dismiss ng piskalya sa kaso ni Nicko Falcis? Wala naman si Falcis sa nasabing dinner. Inaamin naman nila na hindi sila magkakilala.
Minsan nga lang nakakapag-react si Gretchen dahil sa palagay niya may nakikita siyang mali. Sa palagay niya ang nagiging api ay iyong napagbibintangan ng masama. Kaya naman siguro natuwa lang siya dahil ganoon din ang kanyang opinion, eh ano ang masama kung magpa-dinner siya sa mga kaibigan lang naman niya, na lagi naman niyang ginagawa.
Walang sinabi si Gretchen na nagpa-dinner siya dahil sa pagkatalo ng sino man. Ang sinasabi lang niya natutuwa siya at sa palagay niya nangingibabaw ang katuwiran. Sino ba ang tutol sa katuwiran?
HATAWAN
ni Ed de Leon