BIRTHDAY daw noon ng isang may pangalang male model, nang makatanggap siya ng message mula sa isang female star, kasama ang isang mamahaling regalo na nagsasabing “hoping to be with you again.”
Parang diring-diri raw ang male model, iniabot na lang ang regalo sa isa niyang kaibigan at ipinamigay iyon. Mukhang nagkaroon siya ng karanasan sa female star na ayaw na niyang maalala pa, pero ang girl naman ang talagang naghahabol.
Eh sino ba naman ang hindi hinabol ng girl na iyan. Lahat ng naging syota niya siya ang naghabol.
(Ed de Leon)