Monday , November 25 2024

Sharon at Juday, ididirehe ni Direk Irene

NITONG nakaraang Valentine’s Day ay kasama si Direk Irene Villamor si Piolo Pascual sa private resort ng aktor sa Batangas na hindi matandaan kung anong pangalan dahil secluded ang lugar

Ang layo pala niyon, apat na oras ang biyahe gabi na ako dumating,” sabi sa amin.

Natawa si direk Irene na kaya sila magkakasama nina Piolo, Direk Joyce Bernal, Bela Padilla, at iba pang close friends at family ng aktor ay dahil bumuo sila ng project.

Ha, ha, ha may mga konsepto po si Bela pero hindi pa napag-uusapan nina direk Joyce kasi nag-poetry reading kami, mga trip lang habang nagsa-sunset tapos may musicians, may mga in-invite silang musicians so habang nagbabasa ka ng tula may tumutugtog,” paglalarawan ni direk Irene kung paano nila isinelebra ang Araw ng mga Puso.

Diretsong tanong namin kay direk Irene kung bakit wala pa siyang ka-lovelife ngayong 38 years old na siya.

Ha, ha, ha magulo ‘yan po, eh.  Ayaw ko ng lovelife, trabaho lang at saka wala namang nanliligaw sa akin. Marami akong gustong ligawan kaso ayaw nila sa akin, ha, ha, ha.  Work, work lang ako hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko these days, ngarag ako,” tumatawang sabi ng bulilit na direktor pero matinik.

Ang Ulan ay isang dekada nang nasulat ni direk Irene na nagsimula sa short story na inipit niya sa script ng Agent X44 ni Vhong Navarro habang isinu-shoot nila ni Joyce ang pelikula.

Hanggang sa nakita ni Binibining Joyce ang short story at sinabihan ang protégé na gawing pelikula na.

At nang i-pitch ito ni direk Irene kay Viva boss Vic del Rosario ay kaagad na nagustuhan.

Siniguro sa amin ni direk Irene na hindi horror ang Ulan kundi romcom at panoorin daw namin para malaman ang kabuuan ng kuwento.

Inalam namin kung bakit may mga tikbalang sa pelikula, “kasi po kapag umuulan at umaaraw may kasabihan na may ikinakasal na tikbalang, ‘yan ang naririnig ko habang lumalaki ako, sa probinsiya kasi ako laki at dito sa Manila ako nag-aral ng kolehiyo sa UP.”

Si direk Irene mismo ang nakaisip na maglagay ng tikbalang sa pelikula kaya isinama rin niya sila sa mediacon para makita ng lahat at kaagad din niyang pinaghubad na ng costume.

Hindi na pokasi humihinga ang mga ‘yan, kawawa naman gusto ko lang ipakita sa inyo,” say ng direktora.

Para saan naman ang mga malalaking itlog na props, “mahalaga ang mga itlog na ‘yan kasi ‘yan ang nakikita ni Maya (Nadine),” say sa amin.

Hmm, so nagha-hallucinate si Maya?

Tinanong namin si direk Irene kung sino pa ang mga gusto niyang maidirehe o pangarap niya at una niyang nabanggit ang pangalan ni Piolo na nakasama naman niya sa pelikulang Don’t Give Up on Us kasama si Judy Ann Santos bilang script continuity/assistant director palang siya noon.

Pero hindi naman ako ang direktor niyon, si direk Joyce pa, kaya naisip ko na sana someday maidirehe ko rin sila,” say sa amin.

Dagdag pa, “Gusto kong makatrabaho sa movie as director/writer ako ni Piolo sana ibigay sa akin ‘yung pangarap ni Bela na gusto niyang makasama si Piolo.”

Pawang hits ang pelikula ni direk Irene, tumaas na ba ang talent fee niya, “sana, ha, ha. Mga lumang kontrata na kasi ‘yan. Pero ngayon si sir Erickson (Raymundo-manager) itinataas na niya ang talent fee ko, ipinaglalaban niya ako,” kuwento ni direk Irene.

Bukod kina Piolo at Bela ay gusto rin niyang maidirehe sina Juday, Sharon Cuneta na nakatrabaho niya noong bata pa siya, edad 19.

Samantala, humihingi ng suporta si direk Irene sa lahat na panoorin ang Ulan.

Hashtag support local films,” aniya.

Sabay sabing, “Hindi nadala talaga sa akin si boss Vic kasi lagi na lang ako ang humaharap sa mga pelikula, ‘yung ‘Meet Me in St. Gallen’ (2018), ‘50 Shades of Grey’ ang head on tapos ‘Black Panther,’ ‘yung ‘Sid & Aya’ (2018), nahati naman sa ‘Deadpool’at ‘Jurassic Park,’ tapos ‘yung ‘Camp Sawi’ (2016), ‘Train to Busan’ naman ang katapat, lagi akong binabala, nakakaloka tapos ngayon, mauuna ng one week ang ‘Captain Marvel’ tapos 2nd week kami na, ‘Ulan’! Nakalulula lang.”

Iisa lang ibig sabihin niyon, sobrang laki ng tiwala ni boss Vic kay direk Irene para itapat siya sa naglalakihang pelikula sa Hollywood.

Hindi Star Cinema level ang mga pelikula ko, like ‘Meet Me in St. Gallen’ was P80-M plus, since maliit naman ang budget naman kahit out of the country siya (Switzerland) four days lang tapos ‘Sid & Aya’ naka-P170-M yata,” pakumbabang sabi nito.

Susme, buti nga umabot ng milyones ang mga kinita ng pelikula ni direk Irene, ‘yung iba hundred thousands lang.

Mapapanood ang Ulan sa Marso 13 sa pangunguna ni Nadine Lustre kasama sina Marco Gumabao at Carlo Aquino.  Supporting sina AJ Muhlach, Ella Illano, Joseph Elizalde, at Perla Bautista mula sa Viva Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *