Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris at Nicko, maghaharap na

NGAYONG hapon ay isusumite ni Kris Aquino ang kanyang counter affidavit sa Quezon City Regional Trial Court para sa kasong grave threats na isinampa sa kanya ng dating KCAP executive na si Nicko Falcis.

Kung walang pagbabago ay magkikita sina Kris, Nicko, at kapatid nitong si Atty. Jesus Falcis sa korte kaya curious kami kung anong sasabihin ng huli ngayong personal na niyang makakaharap ang dating lady boss ng kuya niya na nilait-lait niya sa social media kaya sinampahan siya ng cyber libel noong Nobyembre 22, 2018 sa Department of Justice.

Halos anim na buwan namang hindi na nagkikita sina Kris at Nicko simula nang sampahan ng una ng 44 counts of qualified theft ang huli.

Kasama rin kaya nang magkapatid na Falcis ang kapatid nilang babae na kung ano-ano rin ang pinagsasabi kay Kris?

Anyway, habang tinitipa namin ito kahapon ay abala si Kris sa bagong TVC shoot niya kaya kinailangan na rin niyang bumalik kaagad ng Pilipinas pagkatapos ng ilang araw na pamamahinga sa kanyang happy place.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …