MABABAWASAN na ang problema sa pagtustos sa pagkakasakit dahil bawat Pinoy ay awtomatikong naka-enrol na sa National Health Insurance Program batay sa nilagdaang Universal Health Care Act ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Batay sa batas, ang membership sa programa ay maaaring direkta o sa pamamagitan ng pagbabayad ng health premium o indirect o ang gobyerno ang magbabayad para sa senior citizens at indigents.
Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mangangasiwa sa programa.
Bukod sa Universal Health Care Act, nilagdaan din ng Pangulo sa seremonya kahapon sa Palasyo ang Revised Corporation Code, Social Security Act of 2018, Philippine Sports Training Center Act, An Act Proving for the Reappointment of the province of Southern Leyte into towo legislative district, at ang New Central Bank Act.