Saturday , November 16 2024

Poe nagbalik sa baluwarteng Pangasinan

UMAASA si Senadora Grace Poe sa matatag na pagsuportang makukuha niyang muli sa mga Pangasinense para sa nalalapit na midterm elections sa Mayo.

Inilunsad ni Poe, na naglalayong makamit ang kanyang pangalawang termino bilang indepen­diyenteng kandidato, ang provincial leg ng kanyang campaign sorties nitong Martes, 19 Pebrero sa mayaman sa botong lalawigan ng Pangasinan, ang lalawigan ng kanyang ama, ang yumaong Hari ng Pinilakang Tabing na si Fernando Poe, Jr. (FPJ).

Hindi maikakaila kay Poe na parang nasa bahay lamang siya kada nagbabalik sa lalawigan ng amang umampon sa kanya.

“Ito ay probinsiya ng aking ama at itong mga kababayan niya ay tinanggap din ako nang buong-buo at hindi po nagbago ang kanilang tiwala at ako’y nagpapasalamat,” pahayag ni Poe at idinagdag pang nakatataba ng puso ang walang humpay na pagsuporta ng mga Pangasinense.

Unang binisita ni Poe ang Pangasinan State University-San Carlos campus na sinalubong siya ni City Mayor Joseres Resuello, vice guber­natorial candidate Mark Ronald Lambino, Board Member Darwina Sam­pang, Councilor Sammy Millora at iba pang lokal na opisyales.

Inihatag ng Pangasi­nan ang mga boto kay Poe sa kanyang 2013 senatorial bid gayondin sa 2016 presidential elections na pawang nakamit niya ang pinaka­mataas na bilang ng boto sa lalawigan.

Kabilang ang Panga­sinan sa tinaguriang Solid North at pangatlo sa buong kapuluan na may pinakamataas na populasyon ng mga botante na 1.8 million voters.

Hindi ito naka­limutan ni Poe kaya lubos pa rin ang pasasalamat sa matatag na pag­suporta sa kanya at maging sa pag­laban sa 2004 Pre­sidential election ni “Da King.”

“Aside from the warmth that they extend, we also have friends and relatives here. Kaya ‘pag pumu­punta ako rito, hindi ako bumibisita, umuuwi ako. Siguro ako lang ang isa sa iilan sa tumatakbong senador na may ugat dito sa Pangasinan,” wika ni Poe.

Sa Virgen Milagrosa University Foundation, may 3,000 estudyante ang sumalubong kay Poe na dumalo naman sa isang student forum.

Nagpatuloy ang pangangampanya ni Poe sa kalapit bayang Bayambang at doon nakipagpulong kina Mayor Cezar Quiambao at Engr. Rosendo So, Chairman ng multi-industry alliance Samahan ng Industriya at Agrikultura at Abono party-list.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *