Thursday , December 19 2024

Hindi kami kontra sa Manila Bay rehab — Maynilad, Manila Water

ITINANGGI ng west zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) at Manila Water ang mga alegasyong nabigo silang magbigay ng kaukulang sewerage para maiwasan ang polusyon sa Manila Bay at mga kaugnay na ilog nito.

Ayon kay Maynilad assistant vice president for corporate communications Jennifer Rufo, nagbukas na sila ng kanilang bagong P1.7-bilyong sewage treatment plant (STP) sa San Dionisio, Parañaque City kaya hindi totoong binabalewala nila ang probisyon sa kanilang kontratang pangasiwaan ang supply ng tubig sa Kamaynilaan.

“Maynilad has always been supportive of government’s move to clean up Manila Bay. Building new STPs is in line with this initiative, and the Parañaque Water Reclamation Facility is now our 22nd wastewater treatment facility in the West Zone. This is part of the P23.3 billion we have already invested since 2007 to improve wastewater infrastructure in our concession area,” wika ni Rufo sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila.

Sinabi niya, ang bagong Parañaque Water Reclamation Facility ay kayang linisin ang 76,000 cubic meters ng wastewater kada araw, at makatutulong sa pagpapabawas ng polusyong tumatapon sa Manila Bay mula sa sinasabing 500,000 household sa mga barangay ng San Dionisio, Sto. Niño, San Isidro, Moonwalk, San Antonio, Marcelo Green, BF, La Huerta at Don Bosco sa Parañaque City.

Una rito, pinuna ni administration senatorial bet Francis Tolentino ang dalawang water concessionaire sanhi ng kanilang kabiguang sumunod sa probisyon sa kanilang prankisa na makapagbigay ng sewerage treatment facilities sa Metro Manila.

Ayon kay Tolentino, mahalagang sundin ng Maynilad at Manila Water Company ang kanilang congressional franchise para magpatayo ng sewerage treatment plant dahil ang lahat ng nagmumulang tubig mula sa mga daluyan ng tubig ay ikinokonsiderang mga pollutant sa look.

Hinihiling din ng dating chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na magsagawa ng audit sa kinikita mula sa environmental fee na kinolekta ng water concessionaire mula sa mga consumer sa nakalipas na 21 taon.

Ipinaliwanag ni House Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza na ang patuloy na polusyon sa Manila Bay ay dahil sa tinutukoy niyang ‘non-delivery’ ng Manila Water at Maynilad ng kanilang mga contractual obligation na makapagbigay ng waste-water treatment facilities. (Tracy Cabrera)

About Tracy Cabrera

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *