Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilyang Pinoy patay sa car crash (Sa Delano California)

ISANG pamilyang Pinoy na kina­bibilangan ng mag-asawa at mga anak na sanggol at 5-anyos totoy ang namatay kasama ang kanilang kaibi­gan nang mabangga ang sinasakyang Mitsubishi SUV sa isang malaking puno sa Highway 99 ng Delano, California. 

Sa hindi pa nalala­mang dahilan, tumatakbo ang sasakyan sa bilis na 70mph nang mapunta sa gilid ng kalsada at bu­mangga sa isang puno.

Kinilala ng mga kamag-anak ang mga biktima na sina Jalson La­guta, 46; Arlene Laguta, 30; ang kanilang dala­wang anak na sina Jalson Laguta, 5, at sanggol na si Jarl Joseph Laguta; at ang kanilang kaibigang si Danilo Aquino Sanidad, 60.

Napag-alamang galing sa simbahan ang mga biktima na pawang mga kasapi ng Jehovah’s Witnesses.

Sa kasalukuyan, patuloy na iniimbestagan ng California Highway Patrol ang tunay na dahilan ng sakuna.

Ayon sa kaibigan ng pamilya at kasama sa simbahan na su Micah Lipayon, “Jalson and Arlene were close friends. They truly loved each other and their 2 wonderful children. Their love for Jehovah their God strengthened the bond with the family and the congregation. I have enjoyed knowing them as well as Danilo. My grand­son is the same age as Joseph and he can sense that his friend is gone. Jalson and Arlene were kind friends that were always ready to help. Jalson has helped me many times when I needed it. He was a true friend. Arlene was quiet yet willing to go out of her way to help people. She devoted most of her time in teaching people about the bible. She set a good example for all Christians to imitate. I look forward to seeing them again when the Bible’s promise of a resurrection is fulfilled. They will be missed.”

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …