Saturday , November 16 2024

Bahay ng 71-anyos mag-asawa natupok sa electric fan (Misis patay, mister may 2nd degree burn)

PINANINIWALAANG electrical short circuit ang sanhi ng pagkatupok ng isang bahay na ikinamatay ng isang lola at pagkasunog ng balat ng kaniyang asawa sa Dammang East, Echague, Isabela.

Namatay sa sunog si Virginia Matterig, 71, na hindi agad nakalabas sa kanyang kuwarto bunsod ng kapansanan.

Samantala, inabot ng second degree burn ang sunog sa balat ng asa­wang si Villamor Mat­terig, 71, na nagtangkang pumasok sa loob habang nasusunog ang kanilang dalawang palapag na bahay.

Inihayag ni Senior Fire Officer 1 Reinier Cante, tagasiyasat ng BFP Echa­gue, nag-overheat ang naiwang nakasinding wall fan mula sa unang pala­pag ng bahay hanggang matupok ang pangala­wang palapag dahil gawa ito sa kahoy.

Hindi agad naka­rating ang mga bombero dahil malayo at hindi maganda ang daan patu­ngo sa Barangay Dam­mang East.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *