NANAWAGAN ang batikang broadcast journalist at kandidato sa Senado na si Jiggy Manicad na mabigyan nang higit na kabayaran lalo ang mga miyembro ng media na mag-o-overtime at mapupunta sa mga delikadong lugar.
“Marami pa sa amin na walang overtime pay at walang hazard pay kahit minsa’y ilang araw kaming nasa isang lugar at hindi makaalis o kahit na nalalagay ang buhay namin sa peligro,” ibinahagi ni Manicad sa isang panayam.
Ayon sa mamamahayag, na dati nang nasugatan sa EDSA III at ipinadala sa Typhoon Yolanda at Ondoy, dapat tutukan ng pamahalaan ang karapatan ng mga reporter lalo na’t dapat magsilbing modelo ang industriya ng media para sa ibang kompanya.
“Dapat lang tingnan natin ang mga isyu na ito sapagkat tinitingala ang media ng publiko. We should not treat reporters or cameramen like commodities, just like how we should not be treating our minimum wage workers as commodities,” ani Manicad.
Dagdag niya, “Gusto natin siguraduhin na bago natin sila ilagay sa coverage ay hindi nila iisipin ang suweldo nila, o kung may hazard pay sila o insurance, o kung mababayaran ba ang mga pangangailangan nila sa bahay.”
Binigyang-pansin din ng mamamahayag ang karapa-tan ng mga miyembro ng media mula sa probinsiya na ‘di gaanong napapakinggan sa mga isyu ng labor kompara sa national media.
Aniya, nakalulungkot ito sapagkat ang mga mamamahayag sa mga probinsiya kadalasa’y nagsisilbing tagabantay sa kapakanan ng taongbayan lalo sa maliliit na munisipyo at bayan.
“It’s sad because our local and provincial press do an equally important job of telling the news, covering, and exposing the truths in small towns and municipalities all over the country,” ani Manicad.
“For example, itong elections, isa sa watchers natin against election-related violence at cheating ang ating local media. We have to treat them more fairly,” aniya.
Kamakailan ay tumawag ng pansin si Manicad sa mga lokal na pamahalaan at sa pulisya sa isyu ng election-related violence pagdating sa media. Aniya, kailangan bantayan ang mga mamamahayag sapagkat ilan sa kanila ay pinapatay o sinasaktan habang nag-uulat ukol sa halalan.
Kung mahalal sa Sena-do sa darating na eleksiyon, nangako si Manicad na kanyang isusulong ang ka-rapatan ng mga mamama-hayag pagdating sa suwel-do. Nais din niyang isulong ang pagpapaigting ng mga batas na tutugon sa mga problema ng agrikultura, kakulangan ng pagkain, at pagresponde tuwing may sakuna. (JAJA GARCIA)