Saturday , November 16 2024
MMDA

Para sa MRT 7 construction… Tandang Sora flyover, Commonwealth intersections 2 taon isasara — MMDA

BILANG paghahanda sa konstruksiyon ng MRT-7 Tandang Sora station at elevated guide way and pocket track isasara ang apat na lane ng Tandang Sora flyover at intersection sa Com­monwealth Avenue.

Pinaghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista sa mabigat na trapiko bunsod ng gagawing pagsasara ng Tandang Sora flyover at intersection para sa konstruksiyon ng Metro Rail Transit (MRT) 7 sa susunod na linggo.

Simula 11:00 pm sa 23 Pebrero, ang apat na lane ng Tandang Sora flyover at intersection sa Commonwealth Avenue ay isasara.

Ayon ito kay MMDA General Manager Jojo Garcia sa isang pulong balitaan sa tanggapan ng ahensiya sa lungsod ng  Makati.

Dalawang taon mag­­ta­tagal ang closure na makaaapekto sa higit 100,000 motoristang bumi­­biyahe sa Com­monwealth Avenue at 2,000 hanggang 3,000 motoristang tumata­wid sa Tandang Sora intersec­tion.

Ida-divert sa isang temporary U-turn slot na may layong 500 metro mula sa Tandang Sora intersection ang mga apektadong motorista.

Sinabi ni Garcia, ang paglalagay ng elevated U-turn slot sa lugar ay iminungkahi ng MMDA para makatulong na mapagaan ang daloy ng mga sasakyan kung saan ginagawa ang MRT 7.

“Inutusan na natin si Director Neomie Recio ng MMDA Traffic Enginee­r­ing Center para bisita­hin ang lugar at pag-aralan kung saan ilala­gay ang elevated U-turn,” ani Garcia.

Ang panukalang elevated U-turn slot na gawa sa bakal ay maa­aring maitayo sa loob nang tatlong buwan. May kabuuang 10 lanes ang Commonwealth Avenue.

“Habang hinihintay ang konstruksiyon ng elevated U-turn slot, maaaring gamitin ng mga motorista ang temporary U-turn slot,” dagdag ni Garcia.

Magde-deploy ang MMDA ng 154 person­nel para gabayan ang mga motorista habang nasa 100 flagmen na­man sa Common­wealth Avenue ang itatalaga ng lokal na pamahalaan ng Quezon City. (JG)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *