Saturday , November 16 2024

Maria Ressa inaresto ng NBI

INARESTO si Rappler CEO and executive editor Maria Ressa kahapon sa kanilang opisina dahil sa kasong cyber libel.

Inihain ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang arrest warrant na inisyu ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Regional Trial Court Branch 46 sa May­nila. Ang kaso ay kina­sasangkutan ng lumabas na artikulo noong Mayo 2012, ilang buwan bago maipasa ang Anti-Cybercrime Law.

Sa nasabing artikulo sinabing nagpahiram ang negosyanteng si Wilfredo Keng ng sasak­yan kay dating Chief Justice Renato Corona. Itinanggi ito ni Keng sa nasabing istorya.

Sinabi ng Justice department, kung ang original publication ng artikulo ay hindi pa sakop ng bagong batas, hindi ito masasabi sa kanilang February 2014 update.

“Interesting,” paha­yag ni Ressa kaugnay ng inisyung arrest warrant laban sa kanya.

“I’m just shocked that the rule of law has been broken to a point that I can’t see it,” aniya sa panayam habang inila­labas sa opisina ng Rap­pler sa Pasig City.

Matapang na sinabi ng Rappler CEO na walang ‘legal case’ o ‘black propaganda’ na makapagpapatahimik  sa mga mamamahayag sa bansa.

“These legal acroba­tics show how far the government will go to silence journalists, inclu­ding the pettiness of forcing me to spend the night in jail,” dagdag niya.

Samantala, kinondena ng ilang kritiko at human rights advocates, ang pag-aresto kay Ressa.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pag-aresto kay Ressa ay ‘pang-uusig’ ng isang ‘bully government.’

“This government, led by a man who has proven averse to criticism and dissent, now proves it will go to ridiculous lengths to forcibly silence a critical media and stifle free expression and thought,” anang NUJP sa kanilang Kalatas.

“It is clear this is part of the administration’s obsession to shut Rappler down and intimidate the rest of the independent Philippine media into toeing the lines.”

Ipinahayag ng Am­nesty International na ang insidente ng pagdakip kay Ressa ay “brazenly politically motivated.”

“In a country where justice takes years to obtain, we see the charges against Maria Ressa railroaded, and the law being used to relentlessly intimidate and harass journalists for doing their jobs as truth-tellers,” saad ng AI sa kanilang pahayag.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *