Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bading tumagay saka nagbitay

“SORRY and goodbye, sorry goodnight, I love you guys and sorry sa pag-iwan ko and this time masasabi ko magpapatalo na ako.”

Ito ang nilalaman ng group chat messenger para sa kanyang mga kaibigan bilang pamamaalam bago lagutin ang hininga ng isang 19-anyos bakla sa pamamagitan ng pagbibigti na kanyang ipinadala sa mga kaibigan sa social media kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Alfrain Kile Tenaja, residente sa Gulayan St., Brgy. Concepcion, Malabon City.

Batay sa pinagsamang ulat nina SPO2 Joselito Bagting at PO2 Philip Cesar Apostol, bago nangyari ang insidente ay kainuman ni Tenaja ang kanyang malalapit na kaibigan kabilang sina John Michael Restar, 19 anyos,  ng E. Jacinto St., Brgy. Concepcion at Paul Vincent Gutierrez, 21, ng Brgy. Tañong.

Nang magpaalam ang biktima sa kanyang mga kaibigan upang umuwi na sa kanilang bahay dakong dakong 6:50 am, nagulat sina Restar at Gutierrez nang makita sa kanilang chat group sa messenger ang larawan ng isang nakabuhol na lubid na gamit na pambigti kasabay ng mensahe ng pamamaalam.

Dahil dito’y agad tinungo ng dalawa ang bahay ng kaibigan at dito nila nadiskubre ang nakabiting katawan ng biktima sa loob ng banyo.

Kaagad nilang kinalag ang lubid sa leeg at isinugod sa Ospital ng Malabon ang kaibigan ngunit hindi na rin umabot nang buhay.

Lumagda sa isang waiver ang pamilya ni Tenaja bilang patunay na hindi na sila intere­sado pa sa pagsa­sagawa ng imbes­tigasyon sa pani­walang walang nangyaring foul play sa pagka­matay ng biktima.  

 (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …