HINDI na rin alam ng isang male star ang kanyang gagawin. Lumipat siya ng kompanya sa paniniwalang mas mapagaganda pa ang kanyang career, pero kung ano-ano na nga ang kanyang ginawa, tila mas sumama pa ang career niya sa nakalipas na taon, at ngayon sinasabing ang ginawa niyang pelikula ay “nakatakda nang maging flop.”
Pagkatapos kaya niyan ay matuloy na ang kanyang balak na humingi na lang ng release sa kanyang kontratang pinirmahan one year ago, na wala naman yatang buting nagawa para sa kanya?
Ganyan lang ang buhay. Kasabihan nga ng Pinoy, kung minsan “naghahangad ka ng kagitna, isang salop ang nawawala.” (Ed de Leon)