Wednesday , December 25 2024

Senado, pikit-mata sa power franchise (Anak kasi ni Sen. Loren…)

PIKIT-MATANG ‘pinaboran’ ng Senado ang pagbibigay ng prankisa sa anak ni Senador Loren Legarda kahit na sinasabing ilegal ito.

Mariin itong inihayag ng grupong Anti-Trapo Movement o ATM kaugnay sa nasabing kontrobersiya na kinasangkutan ng mag-inang Legarda.

Ayon sa ATM, nakahanda na ang Malacañang na magsagawa ng imbestigasyon sa paratang na si Legarda at ang mga kawani nito ay nakiaalam upang mapadali ang pagpasa ng kapulungan ng kongreso sa isang panukalang-batas na nagbibigay ng  25-taong prankisa sa isang korporasyon na pag-aari ng anak ng Senadora.

Ito ang naging dahilan kung bakit nagsumite ng reklamo ang ATM dahil sa ulat na inaprobahan na ng House Committee on Legislative Franchises ang House Bill 8179 na nagbigay ng kontrobersiyal na franchise sa Solar Para sa Bayan Corp. (SPBC) na pag-aari umano ng anak ni Legarda na si Leandro Leviste.

Dahil dito, nagpahayag nang labis na pagtutol ang karamihan sa mga player ng power industry dahil sa plano ni Leviste na maglagay ng solar panel sa buong bansa na makakasama sa electricity industry.

Napag-alaman, kahit si Senator Manny Pacquiao ay mabigat ang loob na bumoto pabor sa ulat ng komite at basta na lang binalewala ang petisyon ng ATM upang magsagawa ng Senate Inquiry sa Leviste’s franchise bid.

“An honest-to-goodness inquiry must be undertaken to ensure that the Senate stays clear of this legal and constitutional controversy, as well as clear the names of Senator Legarda and her staff,” ayon kay ATM founding chairman Leon Peralta.

Nabatid na inabisohan ni Presidential Anti-Corruption Commission Executive Director Eduardo Bringas si Peralta na ang kanyang mga kaso laban kay Legarda ay isinasaalang-alang para sa tamang disposisyon at angkop na pagkilos.

Nakasaaad sa Sa Section 14, Article VI ng Constitution, bawal ang mga mambabatas na direkta o hindi direktang nagpapakita nang sobrang interes sa mga franchise application.

“We firmly believe that alleged meddling by Sen. Legarda on behalf of her son, if proven true, is an infraction of pertinent mandates of the Constitution specifically provisos on conflict of interest, honesty and probity in public office, and transparency,” saad ni Peralta

Mayroon umanong 15 kongresista na nagsampa ng resolusyon at nagnanais na baliktarin ang panukalang-batas sa franchise committee para sumailalim muli sa karagdagang deliberasyon.

Kinuwestyon din ni Peralta ang integridad ng isang press release ni Energy Secretary Alfonso Cusi na nagsasabing ibabalik niya ang award ng franchise sa SBPC makaraan ang isang araw pagkatapos na pamunuan ni Legarda ang isang pagdinig ng Senate Committee on Finance and Energy proposed budget para sa taong 2019.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *