Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Respeto sa PH Law pakiusap ng PNP Chief sa mga dayuhan

NAKIKIUSAP si Philip­pine National Police (PNP) Chief Oscar Alba­yalde sa mga dayuhang naririto sa bansa na ga­langin ang mga lokal na batas.

Kaugnay ito ng insi­dente ng pagsaboy ng taho ng isang babaeng Chinese national sa isang pulis matapos sitahin sa pag­dadala ng mga liquid substances sa MRT (Metro Rail Transit).

Sinabi ni Albayalde, hindi mag-aatubili ang PNP na ipatupad ang buong puwersa ng batas laban sa mga dayuhan na lumalabag sa mga batas ng Filipinas.

Idinidagdag niya na ang mga Filipino sa abroad ay sumusunod sa batas sa mga bansang kinaroroonan nila, kaya dapat ito rin ang gawin ng mga dayuhan sa Filipi­nas.

Sinabi naman ni Alba­yalde na ang pagbabawal sa mga likido sa MRT ay walang ipinagkaiba sa pagbabawal nito sa mga airport, na bahagi ng security measures kontra terorismo kaya walang dahilan para hindi sumu­nod ang sinoman.

Samantala, nagpa­hayag ng paghanga ang PNP chief kay PO1 William Cristobal na nagpamalas ng prope­syonalismo at pagtitimpi sa kabila ng pambabastos sa kanya ng Chinese national.

Sinampahan na ng kasong unjust vexation, assault at disobedience to agent of person in authority ang Chinese national na si Jiale Zhang sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office kaugnay ng insidente.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …