Friday , December 27 2024

Monsour, may payo sa pahayag ni Erik Matti

MAY sagot ang Filipino Taekwondo Olympian at former action movie icon, na ngayon ay Congressman ng Makati na si Monsour del Rosario tungkol sa opinyon ni Erik Matti tungkol sa nakalulungkot na kalagayan ng Filipino film industry.

May tatlo siyang punto: “Naaalala ko noon, siguro 18 years ago, nag-start na bumagsak ang film industry—una dahil na rin sa piracy. ‘Yung ilan sa ating mga kababayan, siyempre sa halip na manood sa sinehan, bibili na lang sila ng DVD sa mas murang halaga at paulit-ulit pa nilang mapapanood. Kaya hindimo rin sila masisi. 

Pangalawa—mataas talaga ang taxes na binabayaran ng producers. So imagine mo, mag-invest ka sa isang pelikula tapos ‘di ka rin sure if maghi-hit. So bumabagsak ang kalidad ng mga pelikula. Dati uso pa ‘yung action films pero ngayon wala nang gustong mag-produce paano kasi mahal. Mahal ang magpasabog, magpasara ng kalsada, mahal ang bala at mahal din magbayad ng mga stuntman, kaya nawala na rin ang mga action film. Kaya ngayon halos pare-parehas na lang ang palabas, puro love-story, drama, comedy. Wala nang variation. ‘Di mo masisi ang mga tao if maghanap sila ng kakaiba.

Dagdag pa niya. “Pangatlo, halos na-monopolize na ng malls ang pagpapalabas ng mga sine. Rati may maliliit na independent movie houses. Halimbawa, rito sa isang sinehan puro mga drama, rito naman sa isa, puro mga aksiyon o komedya.”

Sinabi pa niya na maraming mga artista ang masyadong mataas magpresyo.

Ito naman ang kanyang advice: “Kailangan talagang gumawa ng paraan para solusyonan ang mga problema na ito. Bilang mambabatas siyempre may mga priority tayo, unang-una para sa ating mga nasasakupan, pero tinitingnan din natin kung anong pwede nating maitulong para ibalik ang sigla ng local film industry.”

Kasalukuyang tumatakbo bilang Vice Mayor ng Makati ang dating action movie icon na abala sa mga tungkulin sa kanyang lokal na distrito.

 (Rodel Fernando)

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *