Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Director’s cut ng Glorious, ipalalabas

MAGKAKAROON pala ng director’s cut ang digital movie na Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca na idinirehe ni Connie Macatuno.

Nauna naming makatsikahan ang production manager ng Dreamscape Digital for iWant na si Ms Ethel Espiritu at nabanggit niya na may director’s cut ang Glorious. Ito ang sinagot sa amin nang tanungin namin kung may sequel o part two ang pelikula.

“May director’s cut which is coming soon. Marami pang makikita sa love scenes. Visually kasi in-edit siya ‘pag ‘yung eksena dire-diretso at naka-linger, personally ha, iba ang feeling. Nakita ko na ‘yung ibang rushes, hindi ko pa alam kung kailan airing,” kuwento ng TV executive.

Wala namang maisagot sa amin kung nakailang views na ang Glorious dahil hindi niya alam ang metrics.

“Si sir Deo (Endrinal) ang nakaaalam, hindi ko kasi alam ‘yan,” saad nito.

Sakto naman naka-chat namin si direk Connie at tinanong namin kung kailan ang airing ng director’s cut.

“Wala pa akong abiso, tinatapos pa,” sagot sa amin.

Hirit namin na mas marami pang matitinding eksenang hindi naipakita sa unang streaming nito.

“Matindi ba ‘yung napanood mo?” tanong sa amin ni direk Connie at sinagot namin ng ‘oo.’

Tinanong namin kung may topless o nudity sina Angel at Tony, “abangan mo na lang,” ito ang sabi ng Glorious director.

Akalain mo, pinag-usapan na nang husto ang unang digital film ng Dreamscape nang magkaroon ito ng screening sa Santolan Town Plaza, eh, may mas malala pa pala.

Hmm, kaya pala napa­pangiti sina Tony at Angel kapag napag-uusapan ang Glorious, sobrang glorious nga siguro.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …