Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Dapat bang ibaba ang edad ng criminal liability sa kabataan?

My dad once said that in criminal law you see terrible people on their best behavior; in family law you see great people on their worst behavior.

 — American divorce lawyer Laura Wasser

 

PASAKALYE:

Tulad ng mga pulis, armado rin ang karamihan ng mga security guard sa ating bansa, kaya nga kinakailangan din silang dumaan at sumailalim sa masusing pagsasanay dahil mapanganib para sa publiko kung ang mga nagbabantay sa mga priba­dong estabilisimiyento ay hindi pumasa sa kanilang pagsasanay para maging mga guwardya.

Ngunit sino ba ang dapat sisishin kung ang nakatalagang security guard sa isang puwesto ay masasabing may kuwestiyonableng pagkatao? Hindi po ba responsibilidad ng mga security at investigative agency na piliin at suriin ang bawat aplikante nila bago i-deploy sa kanilang assign­ment?

Kamakailan lang ay napaulat ang pagka­kakompiska ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigative Agencies (PNP-SOSIA) sa mahigit 1,000 armas mula sa 96 security agencies sa Kalakhang Maynila na ipinag-utos isara.

Ayon kay SOSIA director Chief Supt. Noli Romana, ilan sa sinasabing mga agency ay lumabag sa mga regulasyon habang ang iba nama’y hindi nakapagpa-renew ng kanilang mga kontrata.

Bukod dito, may mahigit umanong 350 private security agencies, sabi ni Romana, ang naha­harap sa closure order.

 

REAKSIYON:

Hindi po ba responsibilidad ng pamahalaan na bantayan ang mga agency na ito upang matiyak na maayos ang pamamalakad nila at ang mga guwardiyang idine-deploy nila ay maaayos din?

Nagtatanong lang po…

***

NAGAGALIT ang human rights groups sa mabilis na pagpasa ang panukalang batas na ibaba ang edad ng criminal liability sa 9-anyos mula sa dating 15.

Ayon kay Akbayan party-list representative TOM VILLARIN, mistulang nambu-bully ang Kongreso sa dagliang pagpasa ng justice committee sa nasabing panukala na walang scientific at makatotohanang batayan para gawin ito.

Ngunit ikinatuwiran ni justice committee chair Oriental Mindoro District I Doy Leachon na napa­panahon ang panukalang batas dahil tumataas ang bilang ng mga menor de edad na nasa­sang­kot sa kriminalidad, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Idiniin ni Leachon: “Hindi pang-aapi sa bata. In fact, pag reform kasi, anong gagawin natin sa mga bata na ginagamit?”

 

REAKSIYON:

Sa pananaw po ng inyong lingkod, tunay na marami nang mga kabataan ang nasasangkot sa mga krimen at gayondin sa pagkalulong sa ilegal na droga. Ang dapat sisihin sa ganitong situ­wasyon ay ang mga magulang na naging pabaya sa kanilang mga anak.

Pero hindi lamang mga magulang o nagpapalaki sa mga kabataan ang dapat sisisihn. Maging ang telebisyon at social media ay dapat din sisihin dahil ano nga bang mga uri ng palatuntunan ang napapanood ng mga bata sa TV at ano ring mga bagay ang nakikita nila sa social media?

Nagtatanong lang din po.

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email [email protected] o kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *