Saturday , November 16 2024
Angkas

Angkas pilot run aprub sa kongreso, DOTr

NAGKASUNDO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation ( DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis.

Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensiya upang pag-aralan ang mga naaangkop na regulasyon para sa motrcycle taxis bilang public utility vehicles.

Kasalukuyan din silang nagbabalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.

“Dalawang beses nang nagpulong ang TWG at sa ikatlong pulong ay isasapinal na namin ang IRR at ang proposal para sa pilot run ng Angkas,” ani De Leon.

Sa oras na ito ay maging pinal, ang IRR ay isusumite kay DOTr Secretary Arthur Tugade para sa kanyang pag-aproba.

Sa nasabing pagdinig kahapon, sinabi ni Manila Rep. Cristal Bagatsing, walang humpay sa pagtatanong sa kanya ang kanyang cons­tituents sa iba’t ibang barangay sa Maynila kung kailan babalik ang Angkas.

“Lagi akong tinatanong ng aking mga kababayan sa Maynila kung kailan ba magiging legal ang Angkas dahil iyon lang ang kanilang hanapbuhay,” ani Bagatsing.

“Ano ba ang kailangan naming gawin para mapabilis ang lahat?” dagdag ni Bagatsing.

Binigyang-diin din ni House Committee on Metro Manila Development chairman Rep. Winston Castelo na ang provisional authority para sa pagpapanumbalik ng operasyon ng Angkas ay lubhang kailangan ng libo-libong pasahero araw-araw na nahihirapan sa kani­lang pagbibiyahe.

Malaking tulong din ito, aniya, upang muling magkaroon ng hanapbuhay ang may 27,000 Angkas-biker partners na nawalan ng kita simula nang magbaba ang Korte Suprema ng TRO noong Disyembre.

“Bagamat marami nang panukalang batas ang naisumite, kailangan pa rin nating bigyan ang Angkas ng provisional authority na muling makapag-oprate para sa kapakanan ng Filipino commuters,” ani Castelo.

Nagpahayag ng pasasalamat sa DOTr si Angkas Head of Regulatory and Public Affairs George Royeca sa mga naganap na pagpu­pulong ng TWG.

“Malaking tulong ang ibinibigay ng DOTr sa pagbuo ng isang regulatory framework para sa motorcycle taxis,” dagdag ni Royeca.

Mahigpit ding isinusulong ni Congressman Arnolfo Teves, Jr., ng ikatlong distrito ng Negros Oriental, ang muling pag-arangkada ng Angkas.

“Mabuti na magawa ngayon ang pilot run upang ngayon pa lang ay makita na natin ang resulta ng operasyon at ng binabalangkas na mga regulasyon.

Kung mayroon na kayong IRR, para na rin ‘yang aprobado sa inyong panig,” ani Teves sa DoTr.

Nauna rito, nagpalabas ng pahayag si Makati City Rep. Luis Campos, Jr. na nagsasabing ang legalisasyon ng motorcycle taxis ay magtutuldok sa talamak na extortion ng mga tiwaling ahente ng batas.

“Right now, motorcycle taxi drivers are vulnerable to a shakedown wherever they go,” ani Campos.

Si Campos ang may akda ng House Bill 8855, o ang panukalang Act Allowing Motorcycles as PUVs.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *