Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

74-anyos lola todas sa rider

NABANGGA ng motorsiklo ang tumatawid na 74-anyos lola habang sugatan  ang driver at angkas nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa  Parañaque Doctors Hospital dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Melagros Centino, ng Santa Ana Drive, Bgy. Sun Valley ng lungsod.

Nilapatan ng lunas sa Commcare Clinic ang sugatang rider na si Mico Salcedo, 21, at ang angkas nitong kaanak na  si Agnes Salcedo, 50, ng Zone 1, Lower Santa  Ana, Bgy.  Sun Valley, Parañaque City.

Sa imbestigasyon ng Parañaque City Traffic Bureau, ang insidente ay naganap sa Sta. Ana Drive ng nabanggit na barangay dakong 7:05 pm.

Minamaneho ni Mico ang kanyang Honda XRM motorcycle, walang plaka, habang angkas ang matandang Salcedo.

Binabaybay nila ang naturang lugar nang tumawid ang biktimang si Centino pero hindi nakontrol ng batang Salcedo ang preno ng kanyang motor hanggang masalpok ang biktimang matandang babae.

Sa lakas nang pagkakabangga, tumilapon nang ilang metro ang biktima at nahulog din ang dalawang Salcedo mula sa motorsiklong sinasakyan nila.

Dali-daling isinugod si Centino ng ambulansiya sa nabanggit na ospital, gayondin ang dalawang Salcedo.

Pero binawian ng buhay habang ginagamot ang biktim at ang batang Salcedo (Mico) ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …