Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

3 bagets arestado sa pananaksak sa 32-anyos babae

TATLONG maituturing na kabataan, isang 19-anyos at dalawang edad 20-anyos ang naaresto matapos pagtulungang saksakin ang isang 32-anyos babaeng factory worker sa Valen­zuela City, kamakalawa ng madaling araw.

Kritikal ang kalagayan sa Valenzuela Medical Center (VMC) ng biktimang si Judy Capambi, 32-anyos, resi­den­te sa Sampaguita St., Brgy. Punturin sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naaresto ang isa sa tatlong suspek na kinilala ni S/Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela City Police, na si Derrick Rosende, 19-anyos, naka­tira sa Northville 1 Brgy. Bignay matapos ang maikling habulan.

Batay sa ulat, dakong 2:30 am, nang maganap ang pananaksak ng mga suspek sa tapat ng Paw Lugaw na matatagpuan sa kahabaan ng Kabesang Porong St., ng nasabing lungsod.

Katatapos umanong kumain ng lugaw ng biktima nang bigla itong salubungin ng mga suspek at pinagtu­lungang sasaksakin at bugbugin.

Matapos ito, mabilis na tumakas ang mga suspek ngunit agad nasakote si Rosende.

Sumunod na naaresto ang mga kasama niyang sina Frederick Ferol, 20, ng Dos­tres Reyes St., Pang­hulo, Obando, Bulacan; at ang sinabing lesbian na si Roselyn Pikit-Pikit, 20, ng Doña Elena St. Brgy. Punturin.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang mga suspek na nakakulong na sa Valenzuela detention cell.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …