DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang ina sa Davao Public and Roman Catholic Cemetery kamakalawa ng gabi.
Ang pagbisita ay kaugnay ng ika-pitong taong paggunita sa death anniversary ni Nanay Soledad “Nanay Soling” Roa Duterte na pumanaw noong 2012.
Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “ Bong” Go, 11:00 pm sila dumating ng Pangulo sa puntod ni Nanay Soling.
Bago ito ay binisita muna ng Chief Executive ang mga pamilyang nasa area ng Patikul, Sulu na isa sa mga lugar na inilulunsad ang mas pinaigting na military operation kontra Abu Sayyaf.
Nauna rito’y nakipagpulong ang Pangulo kina Defense Chief Delfin Lorenzana at Labor Secretary Silvestre Bello sa Davao.
(ROSE NOVENARIO)