Saturday , November 23 2024

Sen Bam, No. 11 na sa SWS January survey

HUMATAW ang ranking ni Senador Bam Aquino sa pinakahuling survey ng Social Weather Station mula 23-26 Enero ngayong taon.

Nasa No. 11 na ngayon si Sen Bam mula sa No. 14 ranking niya sa December 2018 SWS survey.

Ito na ang pangalawang pagkakataong puma­sok si Sen Bam sa winning circle of 12 batay sa SWS survey.

Sa Pulse Asia survey noong 14-21 Disyembre 2018 nasa 10th-16 ranking si Sen Bam na may 32.6% rating.

Sa katatapos na survey ng Radio Mindanao Network, si Sen Bam ay na nasa 10th ranking.

Nagpahayag ng kasiyahan si Sen Bam sa patuloy niyang pagtaas sa mga survey kasabay ng pasasalamat sa mga mamamayang patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Sinabi ni Sen Bam, importanteng mabusisi ng taongbayan ang track record ng mga kuma­kandidato, lalo ang mga katulad niyang incumbent, dahil naniniwala siyang ang sukatan ng pag­lilingkod ay mga nagawa para sa kabutihan ng nakararami.

Sa pagiging senador sa loob nang halos anim na taon, maraming batas na ang nagawa ni Sen Bam na nagpabago sa buhay ng maraming Filipino tulad ng Go Negosyo Act at libreng kolehiyo sa mga kabataan.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *