NAGBABALIK sa pag-arte ang singer/songwriter na si Ogie Alcasid sa pamamagitan ng Kuya Wes. At sa kauna-unahang pagkakataon, bilang movie producer.
Ginagampanan nina Ogie at Moi Bien ang mga remittance employee sa Western Remittance. Kasama rin sina Ina Raymundo, Alex Medina, Karen Gaerlan at iba pa. Ito’y idinirehe ni Janes Robin Mayo at ipinrodyus ng A-Team, Awkward Penguin, at Spring Films.
Samantala, ang Kuya Wes ay isa sa mga pelikula ng Spring Films para sa 10th year anniversary nila tulad ng Kimmy Dora, Ang Kambal Sa Kiyeme, Meet Me In St. Gallen, Relaks, It’s Just Pag-ibig, at Kita Kita.
(Joe Cesar)