Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, laging nakatutok sa The General’s Daughter

INILIGAW nina Arjo Atayde at Maine Mendoza ang block screening ng pelikulang TOL noong Sabado ng gabi na inakala nang lahat ay sa SM Megamall Director’s Club ginanap kaya

roon nagpuntahan ang ilang mga usisero at hayun, nganga sila. Dahil ginanap ito sa Cinema 76 Anonas, Quezon City, 10:00 p.m..

May nagtsika sa kampo ni Maine na kaya gabi na ang block screening ay para hindi ito masyadong mapansin sa lugar at ang mga imbitado ay trusted friends lang ng EB artist at sinadyang hindi ito ipinagkaingay para hindi sila lusubin ng bashers.

Oo nga, hindi kalakihan ang Cinema 76 sa Anonas at iilang katao lang ang kaya nitong i-accommodate kaya posibleng close friends lang ni Maine ang dumalo.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay tsinek namin ang Twitter account ni Maine kung may ipinost na siya pero nanatiling wala.  Ang galing ng dalaga, huh, nagawa niyang itago ang venue ng pa-block screening niya.

Sa kampo naman ni Arjo ay wala kaming idea kung may nakarating sa pamilya niya dahil sa pagkakaalam namin ay nasa Baguio City ang magulang niya na dumalo ng kaarawan ng bff ng pamilya.

Anyway, trulili nga kayang pinapanood ni Maine ang The General’s Daughter na isa sa cast ay ang lalaking mahal niya, si Arjo bilang si Elai na may autism na napapanood pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

 FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …