Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ipagdasal n’yo ako… Duterte ‘pinatay’

IPAGDASAL na mapun­ta sa langit ang kanyang kaluluwa.

Ito ang pauyam na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ku­ma­lat na balita na siya’y pumanaw na.

Tatlong video ang inilathala ng kanyang partner na si Honeylet Avancena sa kanyang Facebook account upang pabulaanan ang ulat na pumanaw na ang Pa­ngulo.

Sa ikalawang video, sinabi ng Pangulo na para sa mga naniniwala na siya’y sumakabilang bu­hay na, sana’y ipana­la­ngin na mapunta sa langit ang kanyang kaluluwa.

“For those who believe in the news that I passed away, then I request of you, please pray for the eternal repose of my soul. Thank you,” anang Pangulo sa ikalawang video.

Habang sa unang video ay pabirong sinabi ng Pangulo na hihingi siya ng permiso sa Diyos para sa isang panayam at ipinalilista niya ang mga hiling ng mga pari, obispo at mga durugista at siya na raw ang magdadala sa langit o sa impiyerno.

“My reaction to my passing away, I will ask God first if he’s available for interview kasi pupun­ta na ako doon. Ano ang mga mensahe ninyo? Dadalhin ko pari, obospo, lahat and ‘yung last wish ng mga duru­gista, ilista ninyo, ako na ang mag­dadala roon sa langit o sa impiyerno depende na lang,” aniya.

Sa ikatlong video ay ipinakita na nagbabasa ng isang pahayagan sa araw na iyon sina Pangu­long Duterte at Avanceña sa mesa.

Nauna rito’y itinanggi ni dating Special As­sis­tant to the President Christopher “Bong” Go ang ulat na namatay na ang Pangulo.

“Not true. Nasa Davao po siya. He is fine,” ani Go sa isang text mes­sage sa Palace reporters.

Kahapon ay naging viral ang status ng isang Ray Abad sa Facebook na nagsabing, “Security is a must for VP Leni, ayon sa bulung-bulungan sa kampo ni Koko. PATAY na raw si Digong, still unconfirmed.”

Noong Biyernes ay hindi nakadalo si Pangu­long Duterte sa isang pagtitipon sa Palo, Leyte dahil masama ang kan­yang pakiramdam.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …