Wednesday , December 25 2024

NDF peace talks consultant pinaslang sa bus

BINARIL ang peace talks consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) habang natutulog sa sinasakyang bus sa Nueva Vizcaya kahapon ng madaling araw.

Agad namatay mata­pos barilin si NDFP (NDFP) peace consultant Randy Felix P. Malayao habang nasa bus stop ang sinasakyan.

Ayon sa ilang saksi, sumakay ang suspek, saka nilapitan at binaril si Malayao na agad niyang ikinamatay. Tumakas ang suspek sakay ng isang itim na motor-siklong Yamaha Mio.

Bago ang insidente, magugunitang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang  pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines, NDFP at New People’s Army (NPA).

Si Malayao ay kasama sa mga pormal na ne­go­sasyong pangka­paya­paan sa Europa bilang consultant mula sa Caga­yan Valley at naging isa sa mga tagapagsalita ng NDF negotiating panels sa Europa.

Kinatawan ni Mala­yao ang NDF sa iba’t ibang peace forum sa bansa at sa ibayong dagat kasama ang mga nego­syador ng pamahalaan na sina Secretary Silvestro Bello III, Atty. Librado Trinidad, at iba pa.

Hindi katulad ng iba pang NDF peace consul­tants, walang criminal record si Malayao sa mga hukuman kung kaya nakapaglilibot siya sa bansa upang dumalo sa mga gawaing pangka­payapaan.

Dating bilanggong politikal si Malayao na dinukot at pinahirapan noong rehimeng Arroyo at nakulong nang mahigit apat na taon sa Cagayan at Isabela.

Nakalaya siya nang mapawalang-sala sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Minsang nagsilbi si Bello bilang abogado ni Malayao.

Nagtapos si Malayao ng Bachelor of Science in Fisheries sa University of the Philippines Visayas-Miag-ao noong dekada 90 at kasalukuyang kolum­nista sa Northern Dis­patch, isang pahayagan sa Baguio City.

Miyembro rin si Mala­yao ng Beta Sigma Frater­nity.

Samantala, mariing kinondena ng grupong Karapatan ang pagpas­lang kay Malayao.

Nanawagan ng husti­sya ang grupo sa walang awang pamamaslang hindi lamang kay Mala­yao kundi maging sa ibang biktima ng extra­judicial killings.

Ayon sa Cagayan Valley Chapter ng Kara­patan, isa si Malayao sa mga pinagbibintangang miyembro ng NPA na nakalista sa mga sakong streamer at mga polyetos na ipinapakalat sa mga pampublikong lugar.

“We hold the (Duterte and US) accountable for this cowardly act and for the culture of impunity that prevails under its watch,” saad ng Kara­patan-Cagayan Valley sa hiwalay na pahayag.

Sa post sa Social Media ni Atty. Ruth Cervantes, ginunita niyang, “For under­standing is all very well, but you’ve got to do more than that!” You used to sing this at CEGP events. You walked the talk. You did more than sympa­thize with the poor, you worked hard to change their plight. Some years ago, they kidnapped and tortured you, imprisoned you and fabricated charges against you. You were acquitted, your innocence affirmed. Now they put a gun to your head while you were sleeping. Paalam, Randy! Matapang kang nagsilbi sa tao. Duwag at patray­dor nilang inutas ang buhay mo. Masakit man ang iyong paglisan, hindi kita malilimutan. Isa kang mabuting tao.”

(KODAO Productions, Karapatan)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *