Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lovers syota posas arrest

Live-in partners timbog sa droga

ARESTADO ang isang construction worker at kanyang live-in partner nang maaktohan ng mga pulis na abala sa pagbusisi ng sachet ng shabu sa loob ng sementeryo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni C/Insp. Romulo Mabborang ang mga naa­res­tong suspek na sina Richard Molino, 34, at si Lilibeth Beltran, 41, ng P. Con­cepcion St., Brgy. Tugatog.

Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, dakong 2:00 ng hapon, nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4  sa loob ng Tugatog Public Cemetery nang makita ang mga suspek na nakaupo sa taas ng nitso habang abala sa pagbusisi ng plastic sachets.

Agad nilapitan ng mga pulis ang mga suspek saka inaresto at nakompiska sa kanila ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

Dinala ang mga suspek sa Station Drug Enforcement Unit para sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …